Aklan News
Lalaki, natagpuang wala ng buhay at may tama ng baril sa loob ng sasakyan sa Tangalan


WALA NG BUHAY at may tama ng baril sa ulo nang matagpuan ang isang lalaki sa loob mismo ng isang multicab sa Brgy. Jawili, Tangalan nitong umaga ng Huwebes.
Napag-alaman na ang biktima ay 45-anyos na residente Brgy. Agbago, Ibajay.
Sa pahayag ni PCAPT. Monyeen De Joseph, hepe ng Tangalan PNP, nakatanggap aniya sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isang lalaking duguan sa loob ng multicab na nakaparada sa gilid ng kalsada sa lugar.
Kaagad namang rumesponde ang mga kapulisan gayundin ang MDRRMO at SOCO sa naturang insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, na-recover sa loob mismo ng sasakyan ang isang caliber 45 na baril at mga bala.
Sinabi rin ni PCAPT. De Joseph na posibleng sa loob mismo nangyari ang pagpapaputok ng baril kung saan ang basag na bintana ay isa umanong indikasyon na may bala pang nakalabas.
Nakatakda namang isailalam ang katawan ng biktima sa autopsy gayundin sa paraffin test para masiguro kung ang biktima rin ba ang huling may hawak sa baril.
Samantala, nakatakda namang mag-usap ang mga otoridad at ang pamilya nito para sa malalimang imbestigasyon.
Continue Reading