Connect with us

Aklan News

Lalaking nakaupo sa labas ng kanilang bahay aksidenteng nabaril ng isang negosyante

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng negosyante alas-10 kagabi sa Barangay Sugnod, Malinao, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Judy Fernando, 37 anyos ng nasabing lugar.

Samantala kinilala naman ang suspek na si Romy Agustino, 41 anyos ng Capataga, Malinao.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng Malinao Pnp nakaupo ang biktima kasama ang kanyang barkada sa labas ng kanilang bahay nang makarinig sila ng putok ng baril at namalayan na lamang ng biktima na may tama na siya ng bala ng baril sa kanyang dibdib at balikat.

Napag-alaman na lasing ang suspek ng mangyari ang insidente.

Agad na dinala sa Aklan Provincial Hospital si Fernando at ngayon ay patuloy na ginagamot habang naaresto naman si Agustino.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang kalibre 9mm na ginamit sa pagbaril.

Patuloy pa sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Malinao Pnp kung ano ang motibo sa nasabing krimen.