Connect with us

Aklan News

LGU Batan, dumepensa na hindi pinabawi ang mga service vehicles ng 6 na barangay sa Batan

Published

on

Nilinaw ni Von Sucgang OIC Municipal Administrator ng Batan na walang binawi o pinabalik ang munispyo na mga service vehicles o barangay patrols mula sa ilang barangay sa bayan.

Ito ay kaugnay sa isyung pinabalik umano ni Mayor Michael Ramos sa munisipyo ang mga service vehicles ng Barangay Caiyang, Camanci, Songcolan, Mambuquiao, Ambolong at Mandong.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Sucgang na hindi sumailalim sa inventory nang iturn-over ang mga service vehicles na isinurrender ng anim na barangay kaya ito ibinalik sa LGU.

Aniya, wala rin umanong sulat na ipinadala si Mayor Ramos na nag-uutos sa mga kapitan na ibalik ang mga sasakyan para sa inventory.

Dagdag pa nito, ibabalik din ang mga nasabing service vehicles sa anim na mga barangay sa December 1 kasabay ng pag-upo ng mga bagong kapitan.

“Ro mga kapitan diba December 1 sanda gapungko, so December 1 igaturn-over man dayun sa mga bago nga gapungko sa barangay,” saad nito.