Connect with us

Aklan News

Nakaparadang Raider na motorsiklo diumano’y ninakaw

Published

on

Dumulog sa istasyon ng Kalibo PNP ang isang lalaki matapos nitong mapansin dakong alas- 6:38 kaninang umaga na wala na ang kaniyang nakaparadang motorsiklo sa may Salvosa Compound N. Roldan St. Poblacion, Kalibo.

Kinilala ang may-ari na si Davien Marcelino, 29-anyos residente ng Panay, Pob. Tabuc, Capiz na kasalukuyang naninirahan sa nasabing compound sa bayan ng Kalibo.

Napag-alaman na dakong alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes nang i-parada nito sa  nasabing lugar ang kaniyang motorsiklong Suzuki Raider  150 na pula.

Ayon pa kay Marcelino, halos anim na mga motorsiklo ang nakaparada doon at motor lang niya ang nawawala.

Samantala, wala naman umanong naramdaman na kahit anong ingay kagabi ang mga tao sa lokasyon.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ito ng mga kapulisan para makumpirma kung ito ba ay talagang ninakaw.