Aklan News
Magkaibigang lasing, sugatan matapos sumemplang ang minamanehong motor sa Ibajay


SUGATAN ang dalawang magkaibigan matapos na sumemplang ang sinasakyang motor sa Naisud, Ibajay bandang alas-9 ng gabi nitong Linggo.
Ang magkaibigan ay edad 22-anyos na mga residente ng Naisud at Regador, Ibajay, Aklan.
Nakainom umano ang mga ito galing sa Barangay Regador kung saan ang bahay ng kaibigang drayber.
Pinigilan pa umano ng nanay ng drayber ang kaibigan ng anak nito na umuwi dahil lasing na ngunit nagpumilit pa rin ang kaibigan ng kanyang anak na magpahatid sa Naisud.
Samantala ng dahil sa kalasingan ay nagpagewang-gewang ang sinasakyang motor ng mga ito at sumemplang.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang dalawa lalo na sa kanilang ulo dahil walang suot na helmet ang mga ito.
Agad namang nirespondeha ng MDRRMO Ibajay ang nangyaring aksidente.
Sa ngayon ay confined ang mga ito sa isang pribadong ospital sa Kalibo.