Connect with us

Aklan News

Magtiyuhin, sinaksak ng 3 menor-de-edad sa kalibo; tiyuhin, pat*y habang sugatan naman ang pamangkin

Published

on

PAT*Y ang isang 25-anyos na lalaki habang patuloy namang ginagamot sa Provincial Hospital ang 15-anyos nitong pamangkin matapos na pagsasaksakin ng mga menor-de-edad nitong madaling-araw ng Biyernes, Mayo 9.
‎Ang nasawing biktima ay 25-anyos na residente ng Bakhao Sur, Kalibo habang 15-anyos naman ang pamangkin nito na taga Calachuchi Road, Andagao, Kalibo.
‎Batay sa ulat, papasok sana ang dalawang biktima sa isang food establishment sa bahagi ng Roxas Ave., Poblacion, Kalibo nang harangin ito ng dalawang mga menor-de-edad.
‎Nagkaroon pa ng pagtatalo sa pagitan ng mga sangkot hanggang sa pinaalis sila ng guard ng naturang establishment.
Bigla namang ‎hinabol ng dalawang mga menor-de-edad kasama ang isa pang binatilyo ang mga biktima at inundayan ng saksak gamit ang 12 inches kutsilyo.
‎Samantala, dumepensa pa ang mga biktima gamit ang tubo panghampas.
‎Nagtamo ng mga tama ng saksak ang tiyuhin sa kanyang tiyan at kili-kili na dahilan ng kaniyang pagkamatay habang ang pamangkin nito ay nagtamo naman ng sugat sa kaliwang kamay.
‎Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kalibo Municipal Police Station ang tatlong Children in Conflict with the Law (CICL) na salarin ng insidente.
Napag-alaman na ang nasabing mga CICL ay dati na ring nasangkot sa ilang mga insidente sa bayan ng Kalibo. l Ulat ni Arvin Rompe