Connect with us

Aklan News

“Meron kakulangan sa pag-iisip at sa eksperyensiya itong Vice-Governor ng Aklan at mga Sanggunian” – Rep. Lray Villafuerte

Published

on

BINANATAN ni Camarines Sur 2nd district Representative Luis Raymund Villafuerte Jr. si Vice-Governor Reynaldo “Boy” Quimpo at mga miyembro ng Sanggunian dahil sa naging hakbang nito hinggil sa BIDA Bill 2.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Rep. Villafuerte, sinabi nitong may kakulangan sa pag-iisip at eksperyensiya si VG Quimpo at mga miyembro ng SP Aklan.

Aniya, kinausap man lang muna siya bago sila gumawa ng hakbang.

“Meron kakulangan sa pag-iisip at sa eksperyensiya itong Vice-Governor ng Aklan at mga Sanggunian. Sana man lang kinausap nila ako sa text, sa sulat at kung hindi kami nag-aksyon sana gumawa sila ng hakbang,” ani Rep. Villafuerte.

“Ang nakakataka bigla nalang sila nag-declare ng Persona Non Grata, eh hindi man lang kami kinausap,” dagdag pa nito.

Giit pa ni Villafuete na magkakilala sila ni VG Quimpo dahil dati silang magkapartido sa Nationalista Party.

Saad pa nito, “At alam niyo, ‘yang si Boy Quimpo dati ko ‘yang kapartido sa Nationalista, kilala ko nga yan eh.”