Connect with us

Aklan News

MOA NG KASSAMACO APROBADO NA

Published

on

Kalibo, Aklan – Wala nang nakikitang problema sa pag-release ng pondo sa Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Management Council Inc. (KASSAMACO) dahil aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang bagong Memorandum of Agreement (MOA) nito.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Liga President Ronald Marte, nagkaroon sila ng special session kahapon kung saan masusing pinag-aralan ang MOA bago nagkasundo na aprubahan ito.

Inihayag ni Marte na hindi na nabanggit sa bagong MOA ang pagbuo ng Kalibo Festival Executive Board (KFEB) na dahilan ng pagbitiw sa pwesto ni Apolonio Zaraspe III bilang chairman ng KASSAMACO.

Nakapaloob rin sa MOA na 75% ng net na makukuha nito ay mapupunta sa general fund ng LGU Kalibo at 25% lamang ang sa KASSAMACO mula sa dating hatian na 60% at 40%.

Dagdag pa ni Marte, na si Editha Ureta Reyes na ang uupo bilang bagong chairman ng KASSAMACO kapalit ni Zaraspe.

Ang KASSAMACO ang mangangasiwa ng Ati-atihan Festival 2020 matapos ang 9 na taon na paghawak ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI).