Connect with us

Aklan News

Motorsiklo, bumangga sa SUV sa Banga dahil sa nag-aaway na mga binatilyo sa kalsada

Published

on

Bumangga ang isang motorsiklo sa likurang bahagi ng isang SUV sa Barangay Jumarap, Banga, Aklan pasado alas-6 ng gabi nitong Miyerkules, Mayo 7.
Napag-alamang ang driver ng motorsiklo ay 21-anyos na lalaki mula sa Barangay Linabuan Sur, habang ang driver ng SUV ay 61-anyos na residente ng Barangay Poblacion, Banga. Hindi na isinapubliko ang kanilang mga pangalan.
Batay sa ulat magkasunod na tinatahak ng motorsiklo at SUV ang kalsadang patungong bayan ng Banga.
Biglang nagmenor ang SUV matapos may tumawid na dalawang binatilyong nag-aaway umano sa gitna ng kalsada.
Dahil dito, hindi agad nakapagpreno ang driver ng motorsiklo at bumangga ito sa likurang bahagi ng SUV.
Agad namang rumesponde sa insidente ang Banga MDRRMO at Banga PNP. | Ulat ni Jisrel Nervar, Naj Langco
Continue Reading