Connect with us

Aklan News

Motorsiklong naka-park sa labas ng bahay, ninakaw sa Carugdog, Lezo

Published

on

Ninakaw ng hindi pa nakikilalang indibidwal o mga indibidwal ang isang motorsiklong naka-park sa labas ng bahay sa bahagi ng Carugdog, Lezo, nitong gabi ng Linggo o madaling-araw ng Lunes, Hunyo 9.

‎Ayon kay JV Tibulan, ngayong umaga lamang nila natuklasang nawawala na ang kaniyang motorsiklong SMASH na kulay purple.

‎Naiulat na rin umano nila ang insidente sa Lezo Municipal Police Station para sa kaukulang imbestigasyon.

‎Samantala, panawagan na lamang nito sa sinumang nakakita o maaaring napagbentahan ng naturang motorsiklo na makipag-ugnayan sa kanila o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.| Ulat ni Arvin Rompe