Connect with us

Aklan News

Nakaparadang SUV, nasagi ng lasing na motorista

Published

on

Puno ng gasgas ang kaliwang bahagi ng nakaparadang Toyota SUV sa may 19 Martyrs St.  matapos itong masagi ng lasing na motorista dakong ala-1:20 kaninang madaling araw.

Kinilala ang may-ari ng SUV na si Angelou Zambrona, residente ng Pob. Madalag habang ang motorista ay kinilalang si Ed Kiervyn Lee Lachica, 32 anyos ng C. Laserna St.,Pob. Kalibo.

Napag-alaman na nasa ilalim ng impluwensya ng alak si Lachica habang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo kaya pagdating sa lugar ay nitong nasagi ang nakaparadang SUV, partikular sa may harap ng Papa Jun’s Kitchen.

Dahil sa nangyari, nagtamo ng mga gasgas sa kaliwang bahagi ang SUV at pasa naman sa kanang mukha ang natamo ng nasabing motorista.

Samantala, pansamantala umanong ikinulong ang motoristang si Lachica sa Kalibo Municipal Police Station pero agad rin itong nakalabas.