Connect with us

Aklan News

P2.6M ayuda funds, naipamigay ng DSWD Aklan sa unang araw ng pamamahagi ng educational assistance

Published

on

Nasa P2,671,000 million ng ayuda funds ang naipamigay ng Aklan Social Welfare and Development (SWAD) Provincial Office para sa educational assistance ng mga indigent o mahihirap na mag-aaral.

Ang ipinamimigay na cash assistance sa mga Individuals in Crisis Situation (AICS) ay para sa mga estudyante na naka-enroll ngayong taon.

Batay sa DSWD6, umabot naman sa kabuuang P20.7 million ang naipamahaging ayuda sa buong Western Visayas nito lamang Sabado sa may 5144 na mga benepisyaryo.

Sa naabing bilang, 719 ang mula sa Aklan, 613 sa Antique, 957 sa Capiz, 555 sa Guimaras, 1713 sa Iloilo at 587 naman sa Negros Occidental.

Sinabi ni OIC Regional Director Delia Villa-Bagolcol na kasali sa mga mabibigyan ang mga breadwinners, working students, mga naulila sa magulang o inabandona at nakikitira lamang sa mga kamag-anak, kabataan na solo parents, mga walang trabaho ang mga magulang, OFW o persons deprived of liberty, kabataan na may HIV o may mga magulang na may HIV, biktima ng pang-aabuso, o mga nasa krisis dahil sa mga human-induced o natural calamities.