Connect with us

Aklan News

P2.7 MILLION PESOS INITIAL DAMAGE NA INIWAN NG SUNOG SA ISANG ANCESTRAL HOUSE SA KALIBO

Published

on

TINATAYANG aabot sa P2.7 million pesos ang naitalang inisyal na danyos matapos masunog ang isang ancestral house sa bahagi ng Oyotorong Ibabaw sa bayan ng Kalibo nitong Abril 12, 2022.

Ang nasabing bahay ay dalawang palapag kung saan residential space ang ikalawang palapag samantalang may mga clinic, law office, computer shops at iba pang establisiyemento ang umuukopa sa unang palapag nito.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO1 Jeriel Magno, Arson Investigator nagsimula ang apoy sa 2nd floor kung saan mabilis itong kumalat dahil gawa lamang sa light materials ang istraktura.

Dahil dito, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil old structure na ang nasabing building kung saan delikado nang pasukin ito dahil maaaring mag-collapse anumang oras.

Sinikap na lamang ng mga taga-BFP na protektahan ang kalapit nitong gusali upang hindi na madamay sa sunog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP-Kalibo kung ano ang pinagmulan ng apoy.