Connect with us

Aklan News

Pagtakbo bilang gobernador ni Cong. Ted Haresco, hindi totoo

Published

on

Photo: Katodo DK/Radyo Todo

PINASINUNGALINGAN  ni Cong. Ted Haresco ang kumakalat na balita na tatakbo umano siya bilang gobernador ng Aklan sa 2025 midterm elections.

Aniya, ang mga ito pawang espekulasyon lamang.

Ang katotohan ayon kay Haresco ay tatakbo siyang muli bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Aklan.

Mayroon pa umano kasi siyang natitirang isang termino kaya’t nais niya itong tapusin.

Maliban dito, mahal niya ang kanyang pamangkin na si Gov. Joen Miraflores kaya ayaw niyang banggain ito.

Sa kabila nito, ipinasiguro ni Haresco ang tulong para sa mga Aklanon.