Aklan News
Pinas Lakas Special Vaccination Day isinagawa sa Hello Kitty Plaza ng Lezo
Inaasahang mahigit 600 na indibidwal ang nabakunahan sa Provincial Launching ng Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Day na ginawa kahapon sa Hello Kitty Plaza ng Lezo.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyales ng Department of Health Central Office na si Dir. Roderick Napulan at Dr. Ma. Sophia Pulmones.
Ang Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Day ay aktibidad na inilunsad ng Department of Health para mapalakas ang kampanya ng gobyerno laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapataas ng bilang ng mga bakunadong indibidwal.
Sa pinakahuling datos ng Aklan Provincial Health Office, mayroon ng 96% na mga fully-vaccinated individuals sa buong probinsya.
Samantala, nasa 101% naman ang mga partially-vaccinated.