Connect with us

Aklan News

SB member Marte, hindi naniniwala na ang pagtatanim ng mga bakhawan ang dahilan ng pagbaha

Published

on

HINDI NANINIWALA si Sangguniang Bayan member Ronald Marte na dahil sa pagtatanim ng mga bakhawan ay nakakaranas ng pagbaha sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Marte, sa ngayon ay kahit ang mga nasa ibabaw na ng bundok ay nakakaranas na rin ng pagbaha.

“Kung haistoryahan nga ro bakhawan ro cause it baha, indi ta ako magpati karon kasi sa makaron abi hay makita nimo bisan sa ibabaw it bukid hay ginabaha,” ani Marte.

“Para kakon ro naga-cause ta it pagbaha sa Kalibo hay raya nga ro bukana it suba hay bukon it maeapad ag at the same time ro aton abi nga suba hay manabaw eon,” wika pa ng konsehal.

Ang isa pa umanong dahilan ng pagbaha ay ang mga creek na tinayuan na ng mga bahay at tinambakan.

Sa katunayan ayon kay Marte, nagpasa na siya noon ng resolusyon para dito kung saan nais niya magsagawa ng clearing operation ang DPWH sa mga creeks sa Kalibo at nais niyang ipa-konkreto ang mga gilid nito upang maiwasang magkaroon ng bara sa daanan ng tubig.

Hinimok rin niya ang mga mamamayan na linisin ang mga creek upang maiwasan ang pagbaha.

Binigyan-diin pa nito na ang mga bakhawan ay hindi itinatanim sa dinadaanan ng tubig gayundin na ito ay isa sa mga nagbibigay ng proteksyon sa storm surge.