Connect with us

Aklan News

Tatlong LGU sa Aklan kinilala sa 10th Cities and Municipalities Competitiveness Summit

Published

on

Binigyang pagkilala ang tatlong Local Government Unit (LGU) sa lalawigan ng Aklan sa ginanap na 10th Cities and Municipalities Competitiveness Summit.

Una rito ang LGU Kalibo na naging Top 8 – Overall Most Competitive LGU at Top 4 sa Economic Dynamism Pillar sa 1st – 2nd Class Municipalities Category.

Nagtapos din ang LGU Malay sa Top 8 pagdating sa Infrastructure Pillar para sa 1st-2nd Class Municipalities Category.

Nakuha naman ng LGU Tangalan ang pang-sampung puwesto sa Innovation Pillar para sa 5th-6th Class Municipalities Category.

Ang CMCI ay taunang ranking ng mga siyudad at munisipalidad sa bansa na inisyatibo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) at United States Agency for Internal Development.

Samantala, ang mga datos mula 2021 hanggang Marso 2022 ang naging basehan sa pagkilala sa mga nasabing LGU ngayong taon.