Connect with us

Aklan News

‘THE SHOW MUST GO ON’: Ati-atihan 2020, tuloy kahit nag-resign si Zaraspe

Published

on

Photo credit to the owners.

The show must go on.”

Ito ang pahayag ni Kalibo Mayor Emerson Lachica makaraang magbitiw sa pwesto si Apol Zaraspe bilang chairman ng Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Management Council Inc. (KASSAMACO).

Sa panayam kay Mayor Lachica, sinabi nito na natanggap niya ang resignation letter ni Zaraspe nitong Disyembre 4.

Laman ng sulat ang pasasalamat ni Zaraspe sa sa pagkakataong ibinigay sa kanya na pamunuan ang KASSAMACO sa loob ng limang buwan.

Aniya, hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagbitiw ni Zaraspe dahil hindi ito nakapaloob sa sulat subalit nirerespeto niya ang desisyon nito.

Sa kabila nito, siniguro ng alkalde na magpapatuloy ang operasyon ng KASSAMACO at tuloy ang selebrasyon ng nalalapit na Ati-tihan Festival 2020.

Sa ngayon, magsisilbi bilang kapalit ni Zaraspe si acting chairman Cecil Malapad Calizo na dating ring nagtrabaho sa Municipal Tourism Office.