Connect with us

Aklan News

Tiyuhin ng umano’y karelasyon ng 14 anyos na batang babae sa bayan ng Malinao, kinasuhan na

Published

on

Kinasuhan na ng Malinao PNP si Francis Benidicto ang tiyuhin na nagsisilbing guardian ng katorse anyos na batang babae ngunit sinamantala ang kahinaan nito.

Ayon kay PLt. Gelbert Batiles, matagumpay nilang naisampa ang kaso laban sa suspek matapos makipagtulungan ng biktima sa mga awtoridad.

Aniya pa, noong una ay ayaw makipag-cooperate ng biktima kung kaya’t ginawa nila ang lahat ng pamamaraan ng pangungumbinsi upang maisailalim ito sa medical examination.

“Tanan do idea ag pang aeam-aeam sa victim hay ginhimo gid namon hasta sa nagcooperate eon imaw [victim] ag hapa-medical namon”, pahayag ni PLt. Batiles.

Kinumpirma naman ni Batiles na positibong nagalaw ng suspek ang bata batay na rin sa resulta ng eksaminasyon at salaysay ng biktima.

“Yes, positive gid ag do victim na nagsaysay,” dagdag nito.

Dagdag pa nito, batay sa salaysay ng bata ay hindi na nito maalala kung maka-ila g ulit siyang pinagsamantalahan ng kanyang tiyuhin simula pa noong Setyembre.

Samantala, nilinaw ni Batiles na hindi nagpabaya ang mga kapulisan dahil sinusunod lamang nila ang proseso ng imbestigasyon at pagsasampa ng karampatang kaso.

Sa ngayon ay tumakas na ang suspek at nahaharap sa kasong rape.