Connect with us

Aklan News

Tric drivers na SAP at 4Ps beneficiaries, di na kasama sa makakatanggap ng P3k ayuda

Published

on

Image: KOOL EARTH INC

HINDI na kasama sa mga makakatanggap ng P3000 ayuda ang mga traysikel draybers na nakapasok sa Social Amelioration Program (SAP) at 4Ps ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Social and Welfare Development (PSWDO) officer Evangeline Gallega, sinabi niya na hindi na kasama sa mga pagbibigyan ang mga tricycle operators maliban na lang kung ang mismong operator din ang nagsisilbing driver.

Dagdag pa ni Gallega, hindi lahat ng bayan sa Aklan ay kasama sa makakatanggap ng ayuda, ang mga nakapasok lang ay Kalibo, Numancia, Makato, Banga, New Washington, Batan, Ibajay, at Tangalan.

Kumuha umano sila ng listahan ng mga pangalan sa Toda ng bawat bayan at dadaaan ito sa pagsasala at counter checking sa MSWDO para malaman kung sila ba ay nakatanggap ng SAP o miyembro ng 4Ps.

Ngayon ay may nasa 1300 aniya silang pangalan na hawak na maaaring makatanggap ng ayuda mula sa halos P4 milyon na budget mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Isa sa mga kailangan nilang requirements ay certification mula sa MSWDO na magpapatunay na hindi sila kabilang sa SAP o 4Ps.

Kailangan na lang nilang hintayin ang advisory mula sa PSWDO para sa pag-release ng pondo dahil kasalukuyan na nila itong pinoproseso.

Isa ang mga drivers sa lubos na naapektuhan ng pandemya lalo na nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Aklan.