Connect with us

Business

Pagpasok ng mga produkto sa Metro Manila tuloy sa ilalim ng pag-iral ng ‘community quarantine’

Published

on

Photo courtesy| http://politico.ph

Magpapatuloy ang pagpasok sa Metro Manila ng mga produkto sa sandaling umiral na ang community quarantine simula sa Linggo, March 15.

Kasabay ng pagtaas sa Code Red Sub-level 2 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alert level sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-2) sa ipinataw ng pangulo ang “community quarantine” sa buong Metro Manila.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, magtutuloy-tuloy ang pagdating ng mga produkto sa Metro Manila para matiyak ang stable na supply lalo na ng pagkain.

Maglalabas ng guidelines ang pamahalaan na susundin ng mga mga driver at delivery personnel sa pagbiyahe ng mga produkto.

Samantala, sinabi ni Castelo na hihilingin nya sa mga pamilihan na magpatupad ng social distancing sa kanilang mga establisyimento.

Una nang sinabi ng DTI na inabisuhan na nila ang mga supermarket at grocery na limitahan lang sa dalawang bote ang alcohol na pwedeng bilhin ng bawat mamimili para maiwasan ang hoarding.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay patuloy na kinumpirma ang mga nag-positibo sa sakit na COVID-19, isang respiratory disease na sanhi ng novel coronavirus na nagmula sa city of Wuhan sa Hubei province sa bansang China noong nakaraang taon.