Connect with us

Health

32 bagong kaso ng Delta variant na-detect sa Central Visayas, pinaka-mataas na bilang ng Delta variant case sa Pilipinas -DOH

Published

on

Central Visayas

May kumpirmadong 32 cases ng mas nakakahawang Delta Variant na na-detect sa Central Visayas, ayon sa mga health officials ng Central Visayas.

Mayroong naitalang 97 bagong kaso ng Delta variant ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Hulyo 29, at karamihan dito mula sa Central Visayas.

Ang mga iba pang kumpirmadong kaso ng Delta variant ay mula sa: National Capital Region (25), Eastern Visayas (10), Central Luzon (6), Calabarzon (6), Western Visayas (3), Davao Region (2), at Ilocos Region (1).

Sa 32 na bagong kaso, 19 ay nagmula sa Lapu-Lapu City, 6 sa Cebu City, 3 sa Mandaue City, 2 sa Samboan town at 2 sa island town ng Cordova.

“It really validated our suspicion that with the increased number and fast transmission in the past three weeks, we have with us the delta variant,” sinabi ni Department of Health-Region 7 director Dr. Jaime Bernadas.

Ayon sa kanya patuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng backtracking at contact tracing.

“Don’t worry, the variants will really come. As a virus, they really mutate. What is important is that the vaccines still work,” aniya.

Batay sa direktor, ang mga logged cases ay na-tag na bilang recovered, at mga iba sa kanila ay malapit na rin matapos ang kanilang quarantine.

Si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, mga Mayors, at health officials ay sumang-ayon na i-activate lahat ng local health units na maging first responders sa mga “suspected COVID cases” bago sila dalhin sa mga malalaking hospital sa tri-cities.

Pahayag ng medical society noong nakaraan na “full to the brim” na sila sa mga COVID at non-COVID patients na naghihintay mailgay sa isang ward o private room sa hospital.

Nag-deploy naman ang DOH-7 ng 66 nurses sa iba’t-ibang private hospital sa Cebu upang makatulong sa pagtugon sa virus.

Samantala, sumama rin sa move para mabawasan ang pag-taas ng bilang ng mga kaso si Archdiocese ng Cebu, kaya sinuspinde muna ang pagkakaroon ng Holy Masses sa Cebu City hanggang katapusan ng Agosto.

Ipinag-babawal rin muna ang mga novenas at fietas at sampung family members lamang ang puwede sa funeral.

Batay sa data ng DOH nitong Miyerkules, mayroong 9,233 active cases sa Central Visayas. Pinaka-mataas nanggaling sa Cebu City na may 2,355 cases, sumunod ang Cebu Province na may 2,190, habang 1,083 cases naman sa Lapu-Lapu at 793 sa Mandaue.

Ayon din sa DOH na tatlo sa 97 na bagong kaso ng Delta variant ay namatay, habang ang natira ay nanatiling active cases.

Source: CebuInquirer.Net, ABSCBN