Health
$7000-alok sa mga gustong magkaroon ng Corona Virus
Nanawagan ang mga mananalaksik mula sa UK sa mga may nais mag-boluntaryo na magkaroon ng Corona Virus. Ang mga nagboluntaryo ay mananatiling naka quarantine hanggang makahanap ng lunas laban sa COVID-19.
Ang sinumang handang magkasakit ng COVID-19 ay makatatanggap ng
NZ$7000 o humigit kumulang PhP 200,000. Kapalit ng nasabing halaga ang pamamalagi sa isang pasilidad sa London sa loob ng dalawang linggo. Dito, maigting silang babantayan upang hindi makasalamuha ang mga tao sa labas ng pasilidad, at masusi silang oobserbahan upang makikita ang mga simtomas ng COVID-19.
Ang 24 na volunteers ay bibigyan ng 0C43 at 229E strains ng coronavirus na katulad ng sa COVID-19. Ang dalawang strains na ito ay nagdudulot ng mild respiratory illness.
Ang anti-viral na gamot ay susubukan sa mga infected patients, gayundin ang mga vaccine na made-develop para sa COVID-19.
Source: LUCIS Philippines