Connect with us

Health

ANTIMALARIALS AT ANTIVIRALS, PLANONG GAMITIN NG PILIPINAS KONTRA COVID-19

Published

on

Larawan mula sa www.facebook.com

Ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na kasalukuyang bumubuo ng mga patnubay at panuntunan ang Department of Health, Philippine College of Physicians, at ang Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease (PSMID) hinggil sa paggamit ng antimalarial drugs para labanan ang COVID-19.

Sa ipinalabas na anunsyo nitong nakaraang Sabado, ipinaliwanag ni Duque na ang paggamit ng naturang mga gamot ay “off-label.” Nangangahulugang gagamitin ang antiviral at antimalarial drugs kahit ito ay akmang i-reseta para sa ibang sakit maliban sa COVID-19. Maaari rin itong magdulot ng negative side effects o masamang epekto sa kalusugan.

Dahil dito, pinayuhan ni Duque ang mga health authorities at ang mga ospital na maging mahigpit bantayan ang paggamit ng mga gamot na antiviral at antimalarial.

Dagdag pa ng kalihim, bago maibigay ang gamot, kailangang may pahintulot ito ng pasyente o ng awtorisadong kinatawan nito.

Pahayag ni Duque, “Until the guidelines for the Philippines are released… healthcare providers shall continue implementing existing PSMID clinical practice guidelines.”