Connect with us

Health

COVID-19 cases sa mga bata tumaas ng 176k; mayroong 466 ang namatay

Published

on

Covid19 in children

Mayroon ng higit 176,000 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga bata at ayon sa mga pediatric experts, mas malaki pa ang aktual na bilang ng mga kaso dahil sa underreporting ng mga nahawaan.

Ayon sa Philippine Pediatric Society (PPS) kahapon, simula pa lang ng pandemya noong Marso 2020 hanggang Pebrero ngayong taon, mayroon nang naitala na 48,411 mga batang edad 19 pababa ang nakakuha ng respiratory illness.

Pinapakita ng data galing sa Department of Health (DOH) noong Agosto 8, tumaas ito ng mabilis hanggang sa 176,540 naitalang mga kaso sa nasabing age group na mayroong 466 recorded deaths.

Sa isang media briefing ng PPS at Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines (PIDSP), ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi, PIDSP president, mayroong posibilidad na ang national data ay hindi sumasalamin sa tunay na epekto ng COVID-19 sa mga bata.

Hindi makapagbigay ang DOH ng monthly breakdown ng mga kaso at mga nasawi ng pediatric COVID-19 patients, ngunit saad ni Bunyi, naobserbahan na mild ang mga sintomas ng COVID-19 pagdating sa mga batang Pilipino.

“In the Philippines, we still don’t have national data reflected on the true incidence of COVID-19 in Filipino Children. Most of our data come from hospitalized, confirmed COVID-19” ayon kay Bunyi, dagdag pa niya, ang data ng DOH ay maaring hindi naitala ang mga asymptomatic cases sa mga bata.

Tunay na Larawan

Pahayag ni Bunyi na base sa available information galing sa health department, mayroong 40.2 percent ng pediatric COVID-19 cases galing sa age group 15-10, habang 23.8 percent naman ay galing sa 10-14 years old. Samantala, 17.4 percent ay edad 5 hanggang 9 at 18.5 percent ay edad 4 pababa.

“We are not getting the real picture as to the milder versions of COVID-19. Right now, I feel that we are getting an underreporting here,” saad ni Dr. Maria Carmela Kasala, PPS public relations committee chair.

Subalit, nabanggit ni Bunyi na higit 20 percent sa mga hospitalized pediatric COVID-19 patients ay mayroong medical conditions.

Testing

Karamihan sa naitalang namatay na mga batang edad 4 pababa, ay maaring dahil hindi pa fully developed ang kanilang immune system at mas nahirapan silang labanan ang virus, sabi ng PIDSP vice president Dr. Fatima Gimenez.

Habang may mga doktor na nag-aalala sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga bata, ayon sa DOH, ay tila walang malalang epekto ang virus pagdating sa mga bata.

Ngunit, para makuha ang tunay na kalidad ng COVID-19 at paano ito naapektuhan ang kabataan, inimungkahi ni Bunyi, na i-expand ang testing.

“In order to improve the landscape of COVID-19 among Filipino children, it will be helpful to capture children with mild respiratory symptoms by testing them for COVID-19, especially if there’s a background of exposure or if they live in high-risk transmission community,” pahayag ni Bunyi.

Cocoon effect

Dalawang grupo ang nagmumungkahi na bakunahan ang mga magulang upang magkaroon ng “cocoon effect” na kung saan maproprotektahan nila ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.

Noong Hunyo, ang Food and Drug Administration ay nag-amend ng emergency use authorization ng Pfizer’s COVID-19 vaccine na gamitin para sa mga edad 12 hanggang 15. Noong nakaraan, edad 16 pataas lang ang pupuwedeng makatanngap ng bakuna.

Source: Inquirer.Net

Continue Reading