Connect with us

Health

Dalawang bagong kaso ng delta variant sa Pilipinas naitala ng DOH

Published

on

delta variant

Dalawang bagong kaso ng highly transmissible COVID-19 Delta variant, na-detect ng Department of Health (DOH), pahayag nito kahapon, Lunes, July 5.

Ang delta variant ang pinaniniwalang dahilan ng surge ng mga infections sa India.

Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kaso ay mga returning overseas Filipinos (ROFs) na may travel history sa Saudi Arabia. Dumating sa Pilipinas ang dalawang ROFs noong May 29 at natapos na rin nila ang 10-day quarantine period.

“They have been discharged from the quarantine facility after being tagged as recovered,” the DOH said.

Mayroon ng 19 cases ng COVID-19 Delta variant ang bansa, kung saan 18 sa mga ito ay gumaling na at isa ang namatay.

Pahayag din ng DOH na mayroong naitalang 132 bagong kaso ng Alpha variant, kung saan 125 ay local cases, isang ROF, habang anim pa ang inaalam kung local o ROF.

“Based on the case line list, 15 cases have died, and 117 cases have been tagged as recovered,” sabi ng DOH.

Ang Pilipinas, sa kabuuan ay mayroong ng 1,217 kaso ng Alpha variant.

May naitala ring 119 bagong kaso ng Beta variant ang bansa. Ayon sa DOH, 111 ay local cases, dalawa ay ROFs, at anim ay sinusuri pa kung local o ROF.

Pahayag ng DOH batay sa kanilang datos, “three cases are currently active, 104 cases have been tagged as recovered, and 12 cases have died.”

Mayroon ng 1,386 kaso ng Beta variant sa kabuuan ang Pilipinas.

Source:Rappler