Connect with us

Health

Delta variant posibleng dahilan sa COVID-19 Surge sa Metro Manila-OCTA

Published

on

metro manila delta variant cases

Ang mas transmissible na Delta variant ay isang posibleng dahilan sa biglang pag surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research kahapon.

Sa kanilang pinakabagong ulat, nalaman ng grupo na mayroong 2,823 bagong case ng COVID-19 na naitala sa National Capital Region noong Agosto 7. Ito ang pinakamataas na single-day record simula noong Mayo 2, na mayroong 2,927 cases na naitala sa rehiyon.

Dagdag ng OCTA report na ang reproduction number sa Metro Manila ay dumagdag ng 1.80 galing sa 1.56 noong nakaraang linggo. Ang numero na ito ay bilang ng mga tao na nakuha ang coronavirus galing sa isang tao na infected rin.

Ang positivity rate sa capital region, na kumakatawan sa dami ng mga taong na nagpa-test at napag-alaman na positive para sa Covid, ay tumaas rin ng 14 percent mula 10 % nang nakaraang linggo.

“The rapid growth rate of cases in the NCR strongly suggests the possibility that the surge is driven by the Delta variant, and the steady increase in the reproduction number may be due to the replacement of the Delta variant over the previous dominant variants,” sabi ng OCTA.

Na-detect ang Delta variant ng Department of Health sa lahat ng lungsod ng Metro Manila.

Ayon sa latest bio surveillance data na isinagawa ng Department of Health, sabi ng OCTA na ang precentage ng Delta variant ay tumaas sa 31 percent mula sa 16 percent noong nakaraang dalawang linggo.

Ang intensive care unit occupancy naman sa capital region ay nananatili na “safe” sa 59 percent, ayon sa OCTA. Subalit, tumaas ang occupancy sa average na 11 kada araw sa loob ng nakaraang dalawang linggo.

Samantala, ang hospital occupancy sa capital region ay “safe” rin na nasa 53 percent, ayon sa OCTA. Ngunit dagdag pa nila na tumaas ng 94 percent kada araw ito sa loob ng dalawang linggo.

“With the current trends, ICU occupancy will be above 70% in two weeks while COVID-19 hospital bed occupancy will be above 70% in three weeks,” babala ng OCTA.

Bukod dito, pinuri naman ng OCTA ang national government sa kanilang desisyon na isailalim ng Metro Manila sa enhanced community quarantine, ang pinaka-istriktong lockdown status, simula Agosto 6 hanggang 20.

“If the decision was delayed to August 15, the NCR would have breached 4,500 new cases per day, which would likely extend the lockdown and cause more negative impact on people and economy,” sabi ng OCTA.

Source: CNN Philippines