Connect with us

Health

Delta Variant present na sa lahat ng cities ng Metro Manila

Published

on

Delta Variant Updates

Ayon sa Department of Health ngayong Biyernes, Agosto 6, present na ang mas mapanganib na Delta variant sa lahat ng cities ng Metro Manila, at kasama rin dito ang lone municipality ng Pateros.

Sa isang online briefing, pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong una ay, “16 out of the 17 cities in NCR are with Delta variant cases as of August 5.”

Nilinaw naman ng DOH kalaunan na na-detect nila ang Delta variant sa lahat ng 17 local government units ng Metro Manila.

“We detected Delta in all 17 cities and municipality in NCR,” sabi ng DOH.

Base sa data ng DOH, ang may pinakamaraming kaso ng Delta variant sa lahat ng local goverment units ng rehiyon ay ang Las Piñas, na may 23 na kaso. Sinundan ito ng Pasig na may 21 na kaso, may 16 naman na kaso ang city ng Manila at 12 na kaso naman sa Malabon.

Ayon kay Vergeire, ang municipality ng Pateros at Malabon City ay nasa ilalim ng critical risk classification na may high-risk two-week growth rate at average daily attack rate (ADAR).

Samantala, lahat ng mga areas, maliban sa Caloocan City at Marikina City ay may high-risk ADAR.

Dagdag pa niya na ang healthcare utilization sa Metro Manila cities ay nagre-range mula 33% hanggang 68%.

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang NCR mula Agosto 6 hanggang 20 upang mabawasan ang pagkalat ng Delta variant.

Mayroong naitalang 331 kabuuang kaso ng Delta variant ang bansa, kasama na rito ang karagdagang 116 na kasong naitala nitong Huwebes.

Ayon kay Vergeire, 12 sa kabuuang kaso ay nanatiling active.

Source: Inquirer.Net