Connect with us

Health

EARLY DETECTION, LAYONG IPAUNAWA SA LAHAT NGAYONG WORLD CANCER AWARENESS DAY

Published

on

Larawan mula sa CNN Philippines

Isa sa mga kinatatakutang karamdaman ng halos lahat ng tao ay ang cancer. Ang iba sa atin ay naranasan na ang pahirap nito, habang ang iba naman ay nawalan na ng mahal sa buhay dahil dito.

Pangalawa ito sa mga sanhi ng pagkamatay, at tinatayang nasa 10 milyon ang namamatay sa buong mundo kada taon dahil sa cancer.

Ang early detection nito ay mahalaga para sa maagap na pagbibigay lunas dito.

Mayroong iba’t-ibang uri ng cancer, at ang bawat uri ay may iba’t-iba ring simtomas at indikasyon. Mainam na malaman natin kung ano-ano ang mga ito.

Ngayong World Cancer Day, alamin ang mga sumusunod na simtomas na maaaring maging babala kung ang isang tao mayroong cancer:

1. Pagkakaroon ng bukol o pamamaga ng bahagi ng katawan
2. Pabalik-balik na ubo
3. Pagbabago sa pagdumi
4. Madalas na pag-ihi
5. Di inaasahang pagdurugo
6. Di maipaliwanag at biglaang pagbaba ng timbang
7. Labis na pagkapagod
8. Pagkakaroon ng bagong nunal
9. Di maipaliwanag at walang tigil na pananakit ng bahagi ng katawan
10. Di maipaliwanag na paglaki ng dibdib
11. Di pagkaramdam ng gutom
12. Pagtubo ng singaw na hindi halos gumagaling
13. Pabalik-balik at matinding pangangasim ng sikmura at pagkaempatso
14. Matinding pagpapawis sa gabi

Kung nakararanas ng mga ito, makabubuting agad na sumangguni sa manggagamot.