Connect with us

Health

Isang OFW sa QC na galing Saudi Arabia, nag-positibo sa Delta Variant

Published

on

delta variant

Kinumpirma kahapon ng Quezon City government na mayroon kaso ng Delta coronovirus variant mula sa isang overseas Filipino worker na nanggaling sa Saudi Arabia.

Isang 34-year-old na lalaki ang dumating sa bansa noong Hunyo 24, at sumailalim siya sa mandatory quarantine sa hotel sa Makati, ayon sa pahayag ng city government.

Noong Hunyo 28, nakaramdam siya ng “slight itchy throat”, at nagpa-swab test siya nang Hunyo 30.

Inilipat tapos siya sa isa pang hotel sa Manila mula Hulyo 4 hanggang 11.

Ang nasabing pasyente ay “considered recovered” na at pinayagan na siyang umuwi sa kaniyang pamilya noong Hulyo 11, dagdag ng city government.

Ngayong Linggo, nalaman ng city’s Epidemiology and Disease Surveillance Unit na ang nasabing lalaki ay nag-tested positive sa Delta Variant.

“He will undergo another swab test, along with his family, as part of our protocol even if he is considered a recovered patient. We are doing extensive contact tracing on his close contacts just to make sure,” pahayag ni CESU head Dr. Rolly Cruz.

Naniniwala naman ang Quezon City Mayor na si Joy Belmonte na may kakayahan ang CESU at ang buong city government sa pag-hahandle ng kaso.

“We have put in place measures in preparation for the Delta variant and we continue to exert all effort to contain its possible spread. What is important is that we are doing extensive testing and aggressive contact tracing,” dagdag ng Quezon City Mayor.

LOCAL TRANSMISSION

Ibinahagi rin ng Quezon City na nakikipag-coordinate rin sila sa isa pang local government unit regarding sa “possible local transimission of the Delta Variant.”

Napag-alaman ng City health officials na may isang lalaki na nagtratrabo sa factory sa Quezon City ay nag-positive sa Delta variant, ang kanyang asawa na buntis ay nag-positive rin.

“There are no reported case yet at his place of work but we are doing this as a preventive measure to make sure we contain its transmission this early,” sabi ni Cruz.

Nagsagawa naman ng contact tracing at swabbing ang CESU sa nasabing factory.

Ayon sa city government, ang factory worker ay nakaranas ng shortness of breathing, colds, fever, at sore throat, noong Hulyo 4 at nag-positive siya sa virus sa sumunod na araw.

Na-admit siya sa Philippine General Hospital simula noong Hulyo 5 at nakalabas naman na siya noong Hulyo 18.

Ang kanyang asawa naman, na asymptomatic, ay napa-swab test noong Hulyo 8 at nag-positive siya sa sumond na araw, at nag-positive muli siya nitong Hulyo 17.

Ngayon, nananatili sila sa isang quarantine facility sa isa pang city hanggang sa katapusan ng buwan, sabi ng city government.

Ayon sa Department of Health, may naitalang 119 case ng Delta variant ang bansa, kung saan 103 na ang gumaling, 4 ang namatay, at 12 naman ang active cases.

Source: ABSCBN