Connect with us

Health

LALAKI, NAHAWA NG DENGUE MATAPOS MAKIPAGTALIK SA KAPWA LALAKE

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Kinumpirma ng Spanish health authorities ang isang kaso ng dengue na naipasa umano sa pamamagitan ng pagtatalik, taliwas sa noon pa mang pinaniniwalaang naipapasa lamang sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

Ayon kay Susana Jimenez ng public health department ng Madrid, isang 41-gulang na lalaki ang nagkaroon umano ng dengue matapos na makipagtalik  sa kanyang lalaking partner na may dengue.  Ang nasabing partner ay nagka-dengue nang bumisita sa Cuba kamakailan lang. 

Nagulumihanan ang mga doctor sapagkat ang lalaki ay hindi naman pumunta sa lugar kung saan karaniwang matatagpuan ang dengue virus.

“His partner presented the same symptoms as him but lighter around ten days earlier, and he had previously visited Cuba and the Dominican Republic.,” ani Jimenez.

Dagdag pa ni Jimenez, sinuri ang semen ng magpartner at napag-alaman na hindi lamang sila parehong nagkaroon ng dengue kundi na-infect din silang dalawa ng parehong virus na matatagpuan sa Cuba. 

“A likely case of sexual transmission of dengue between a man and a woman was the subject of a recent scientific article in South Korea,” dadag pa niya.

Sa isang email na ipinadala sa AFP, sinabi ng European Centre for Disease Control (ECDC) na ang kaso na ito ng dengue sa Madrid, sa kanilang pagkakaalam, ay ang “first sexual transmission of the dengue virus among men who have sex with men. “ 

Ayon sa World Health Organization, ang dengue virus ay karaniwang naisasalin sa pamamagitan ng Aedes Aegypti na lamok, na namamalagi sa mga lugar na tropical kung saan siksikan ang mga tao.  Sila rin ay nanginitlog sa mga hindi dumadaloy na tubig.