Health
Magpapatuloy pa rin ang “surge” ng kaso ng COVID-19 sa kabila ng hard lockdown; 3rd highest daily count naitala nitong Lunes – DOH
Nagbabala ang mga health authorites na ang mga “record high daily COVID-19 cases” noong nakaraang linggo, ay inaasahang magpapatuloy sa mga susunod na linggo, sa kabila ng pagkakaroon ng hard lockdown sa Metro Manila at sa ibang lugar.
Ayon sa Department of Health (DOH), pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 20, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong linggo bago makakita ng pagbaba ng mga bagong kaso.
Batay sa DOH, ang latest surge ay sanhi ng Delta variant, kung saan, ang isang infected na tao ay makakahawa sa walo pang ibang tao sa loob lamang ng isang interaction.
Ito’y dahil marami pa ring mga tao ang lumalabas at hindi sumusunod sa mga public health protocol kahit habang nasa ECQ.
Pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing nitong Lunes, na batay sa analysis ng DOH, pinapakita na nagkaroon ng “39% more mobility” ang mga tao ngayong ECQ sa Metro Manila kumpara sa nakaraang ECQ noong isang taon at noong Marso hanggang Abril ngayong taon.
Third-highest daily count
Nitong Lunes, may naitala ang DOH ng 14,610 bagong kaso ng COVID-19, ito ang pangatlo sa pinakamataas na daily count nang magsimula ang pandemiya.
Dahil nito ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 1,755,846. Kung saan, 1,618,808 na ang gumaling, kabilang na dito ang 10,674 na na-tag bilang recovered nitong Lunes.
May naitala rin ng karagdagang 27 na namatay dahil sa COVID-19, kasama rito ang 22 na na-tag bilang recovered noong nakaraan. Ang kabuuang namatay sa COVID-19 sa bansa ay nanatili sa 30,366.
Dagdag pa ng DOH na 23% ng 58,471 mga indibidwal na na-test noong Agosto 14, ay positive sa virus.
Sa kanilang latest batch ng 338 random na COVID-19 samples na sinuri nitong weekend, halos kalahati nito ay Delta variant.
Na-detect rin nila ang kaunahang Lambda variant case sa Pilipinas na nagmula sa isang 35 taong gulang na pregnant woman mula sa Western Visayas.
Samantala, sabi ng mga experts, mas kinokonsidera nilang “bigger concern” ang Delta variant.
Ayon kay Cynthia Saloma, executive director ng Philippine Genome Center (PGC), ang bilang ng kaso ng Delta variant sa bansa “had rapidly increased” simula noong Mayo, nang una ito na-detect sa ilang mga returning overseas Filipinos.
Aniya, mula sa 72 na kaso noong Hunyo, tumalon ang bilang sa 721 noong Hulyo, o 42.41% ng mga samples na sinumite sa PGC.
Source: Inquirer.Net