Health
May naitalang 116 karagdagang kaso ng Delta variant sa bansa -DOH
May naitalang 116 karagdagang bagong kaso ng COVID-19 Delta variant ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes, itinulak nito ang kabuuang bilang sa 331.
Sa bagong karagdagang kaso ng Delta variant, 95 dito ay na-detect locally, habang isa ay Returning Overseas Filipino (ROF). Sinusuri pa ng mga health authorities ang natitirang 20 na kaso kung ito ba lokal o ROF.
Ayon sa DOH, 83 sa 95 lokal na kaso ay nagmumula sa Metro Manila. Samantala, tatlo naman ay nanggagaling sa Calabarzon, apat sa Central Visayas, dalawa sa Davao Region, at isa sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, at Ilocos Region.
“All cases have been tagged as recovered. All other information is being validated by our regional and local health offices,” pahayag ng DOH.
Dagdag pa ng DOH, sa 216 kaso ng Delta variant na naiulat noong Hulyo 29, isang kaso ay napatunayan na na-test sa dalawang magkaibang laboratoryo.
“Both samples were sent to UP-PGC (University of the Philippines-Philippine Genome Center), sequenced after an anonymized selection, and detected with the Delta variant. With this, the DOH is amending the previous total Delta variant cases from 216 to 215,” nilinaw ng health authorities.
Other Variants in the PH
Bukod sa Delta variant, may naitala ring 113 karagdagang kaso ng Alpha variant; 122, Beta variant; at 10 kaso ng Theta variant ang DOH sa kanilang latest batch ng whole-genome sequencing.
Ayon sa DOH, “two samples from an Alpha variant case were both sequenced.” Dahil dito, ang kabuuang bilang ng kaso ng Alpha variant noong Hulyo 29 ay inupdate mula 1,856 to 1,855. Ang kabuuang bilang ng Alpha variant na kaso sa bansa ay nasa 1,968.
Sa Beta variant case naman, 104 dito ang lokal na kaso, apat ay ROFs, habang sinusuri pa ang 14 kung lokal o ROF. Lahat ng mga bagong na-detect na kaso ay na-tag na bilang “recovered.” Ang kabuuang bilang ng Beta variant na kaso sa Pilipinas nitong Agosto 5 ay nasa 2,268.
Para naman sa Theta variant na kaso, ayon sa DOH siyam dito ay local na kaso at isa ay ROF. Batay sa health agency, lahat ng kaso ay na-tag na bilang “recovered.”
“DOH would like to reiterate that these cases detected with the variants of concern are already COVID-19 positive, hence, clinical management and response remain the same,” ayon sa DOH.
Source: Inquirer.Net