Connect with us

Health

Mayroon ng 12 bagong lokal na kaso ng Delta variant ang Pilipinas

Published

on

Delta Variant

Nitong Huwebes, mayroon ng 12 na bagong kaso ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa bansa at lahat ito ay kinokonsiderang mga lokal cases batay sa Department of Health (DOH).

Ang bagong Delta variant carriers ay natagpuan sa mga sumusunod na lugar:
Metro Manila – 3 cases
Central Luzon – 6 cases
Calabarzon – 2 cases
Bicol – 1 case

Ayon sa latest bulletin ng DOH, lahat ng 12 na bagong Delta variant infections ay nakarecover na, ngunit ang kanilang “outcomes” ay isinasailalim pa sa pamamagitan ng regional at local health offices agency.

“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices,” pahayag nila.

Ang Pilipinas sa kabuuan ay mayroon ng 47 Delta variant cases, kung saan walong kaso ay aktibo.

Subalit, hindi pa rin malinaw kung ang mga bagong variant cases
ay may kasamang mga sample na mula sa 12 Filipino crew members na naglayag mula sa Indonesia, kahit isa sa kanila ay positive sa virus.

Hindi pa sinasagot ng agency ang mga queries mula sa media patungkol sa mga bagay na ito, pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang proseso ng kanilang mga samples ay aabutin hanggang anim na araw.

Binigyan ng diin ng DOH na isang “enhanced response” ang kailangan sa mga lugar na mayroong bagong Delta variant cases at sa mga lugar din kung saan nagkaroon ng spike ng mga infections “with the premise that there may be ongoing local transmission already.”

Sinabi rin ng agency sa mga local authorities na dagdagan ang bilang ng mga sample na dinadala para sa genome sequencing, lalo na sa mga lugar na may spike o clustering ng mga kaso.

Sa kabuuang 47 Delta cases, 36 ay nakarecover na, habang tatlo ang namatay at may walong nanatiling aktibo.

Samantala, mayroong 187 Alpha variant cases, 142 Beta variant cases, at 12 P.3 variant cases nadetect ang agency sa pinakabago nilang genome sequencing run.

Source: ABSCBN, GMANews