Health
MGA PANIKI SA MT. MAKILING, ISINAILALIM SA SWAB TESTS
Muling ipinagpatuloy ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines Los Banos (UPLB) ang nasimulan nang pag-aaral hinggil sa dalang coronavirus ng mga paniki. Kaugnay ito ng patuloy na pagsisikap ng mga eksperto sa iba’t ibang panig ng mundo upang maiwasan ang isa pang “zoonotic outbreak.”
Pinangungunahan ni UPLB Professor Phillip Alviola, na isa ring bat ecologist, ang nasabing pag-aaral. Katuwang sa pag-aaral na ito ang ilan sa mga unibersidad sa Japan at Vietnam. Ayon kay Prof. Alviola, nitong Enero lamang ay kumuha sila ng oral at rectal swabs mula sa 13 insectivorous bats mula sa Mt. Makiling.
Umabot na sa 15 virus genotypes ang naitatala ng UPLB, kabilang nag ang coronavirus, hantavirus at gamma herpesvirus, mula sa pagsusring isinagawa 2017 pa lamang.
Sinasabing nakukuha ang virus mula sa dumi at ihi ng mga paniki, subalit wala pang patunay na naipapasa ito sa tao mula sa kagat ng paniki.
Layon ng pag-aaral na makagawa ng “simulation model” upang agad na malaman at mapaghandaan ang psoibleng outbreak ng mga bat-derived diseases. Saad ni Aviola, halimbawa nito ay ang pag-alam kung kailan ang mga paniki ay mayroong “higher viral loads or are themselves immunocompromised.”
Dagdag pa niya, “Any of the coronavirus that we found in Philippine bats could be a potentially virulent coronavirus genotype [and] could lead to a pandemic, similar to what happened in China.”