Health
Moderna nag anunsyo na ang kanilang Covid-19 vaccine ay nagbibigay proteksyon laban sa Delta variant
CAMBRIDGE, Mass.—Moderna, isang biotechnology company na naka base sa Cambridge, Massachusetts, ay nag palabas ng anunsyo nito lamang Martes tungkol sa bagong resulta ng kanilang pag-aaral.
Sinasabi sa kanilang pag-aaral, na ang mga indibidwal na nabakunahan ng Moderna COVID-19 vaccine ay nag-papakita ng proteksyon laban sa bago at mas nakakahawang variant na SARS-CoV-2, o mas kilala bilang Delta variant na unang nang nakita sa bansang India.
“As we seek to defeat the pandemic, it is imperative that we are proactive as the virus evolves. We remain committed to studying emerging variants, generating data, and sharing it as it becomes available. These new data are encouraging and reinforce our belief that the Moderna COVID-19 Vaccines should remain protective againts newly detected variants” – pahayag ni Stephane Bancel, chief Executive Officer ng Moderna.
“These findings highlight the importance of continuing to vaccinate populalations with an effective primary series vaccine” – dagdag pa ni Bancel.
Hindi ito ang unang variant na kayang protektahan ng Moderna COVID-19 vaccine. May iba pang variants gaya ng Beta variant (B.1.351, unang nakita sa South Africa), at tatlo pang lineage variants ng B.1.617 (unang nakita sa India), kasama ang Kappa (B.1.617.1) and at Delta variants (B.1.617.2); ang Eta variant (B.1.525, unang nakita sa Nigeria); at ang A.23.1 at A.VOI.V2 variants na unang nakita Uganda and Angola.
Idinagdag pa ng Moderna na patuloy silang nag-sisikap sa kanilang mga clinical development laban sa mga emerging variants.
Ayon naman sa mga ulat, ang Delta Corona virus variant ay 60 percent na mas makakahawa kumpara sa Alpha variant, at naging dahilan ng pag dami ng kaso sa ibang bansa.
Dito sa Pilipinas ay mayroon ng naiulat na 17 kaso ng Delta variant, ang 17 kaso ay pawang mga returning Filipino travelers.