Connect with us

Health

Naghahanda na ng karagdagang ventilators at oxygen supplies ang mga hospital dahil sa dumadaming lokal cases ng Delta variant

Published

on

Delta Variant

May na-detect ang Pilipinas ng 17 karagdagang mga kaso ng COVID-19 Delta variant, kung saan ang kabuuang kaso ng mas mapanganib na variant ay umabot na sa 64.

Dahil sa posibleng surge ng mga COVID-19 cases sa bansa bunga ng mas nakakahawang Delta variant, naghahanda na agad ang Department of Health (DOH) ng mga resources, tulad ng mga ventilators at oxygen supply.

“We are starting to preposition [them] in our hospitals,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado.

Tulad lamang ng ginawa ng Department of Trade and Industry (DTI), kinausap nila ang mga oxygen suppliers na dagdagan ang kanilang daily output para sa mga hospital, sinabi niya sa Laging Handa briefing.

Naglalagay din ng mga tents sa hospital, habang nagpapatayo rin ng mga modular field facilities sa sa iba`t ibang bahagi ng bansa.

Sa 17 na bagong kaso ng delta variant, 12 sa mga ito ay mga “local cases” kung saan siyam sa kanila ay nagmumula sa National Capital Region at tatlo naman sa Calabarzon.

Ang natitirang limang kaso naman, isa ay returning overseas Filipino (ROF), habang pinag-aaralan pa ng DOH kung ang apat ay lokal o ROF na kaso.

Ayon sa DOH, 14 sa 17 na mga kaso ay naka-recover na, habang may nanatili pang tatlong aktibo.

Nilagay ng mga authorities ang Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon sa ilalim ng mas striktong general community quarantine (GCQ) sa loob ng isang linggo dahil kumpirmadong may lokal transmission na.

Sinabi muli ng DOH na kailangan ng publiko sumunod sa minimum public health standards at kumpletuhin ang kanilang COVID-19 vaccine doses.

“The DOH emphasized the need to ensure active case finding, aggressive contact tracing, increased risk-based and targeted testing, and the immediate isolation/quarantine of suspect/probable cases and close contacts. In addition, the public is advised to strictly adhere to the minimum public health standards, get vaccinated, and complete their doses as scheduled,” sabi nila.

Virus Update

May naitala rin ang DOH na 11 karagdagang kaso ng Alpha variant, isang variant na unang natagpuan sa United Kingdom, at 13 bagong kaso ng Beta variant, kung saan unang na-detect ito sa South Africa.

Sa bagong kaso ng Alpha variant, 10 ay local case, habang ina-alam pa ng DOH ang isa kung ito’y lokal o ROF.

“Based on the case line list, one remains active, seven cases have died, and three cases have been tagged as recovered,” batay sa department.

Sa bagong naitalang kaso naman ng Beta variant, ayon sa DOH, 10 ay local cases habang pinag-aaralan pa ang tatlo kung lokal ba ito o ROF, kung saan isa ay aktibo, dalawa namatay at 10 ang naka-recover.

Source: Inquirer.Net, ABSCBN