Connect with us

Health

Pilipinas nasa “high risk” classification dahil sa pag-taas ng mga kaso na sanhi ng Delta variant -DOH

Published

on

PH High risk classification

Binalik sa pagiging “high risk” ang classification ng Pilipinas, matapos ang mga spike ng infections dahil sa mas nakakahawang Delta variant, ayon sa Department of Health nitong Lunes.

Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa ng 47% sa nagdaang dalawang linggo at patuloy pa rin ang pagkalat ng Delta variant.

Batay kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Pilipinas ay nag-aaverage ng 8,829 bagong kaso bawat araw mula Agosto 2 hanggang 8, mas mataas kaysa sa nakaraang linggo na nag-aaverage ng 7,029.

“Nationally, our case classification is now at high risk,” sinabi niya sa briefing.

Dagdag pa ni Vergeire na “local Delta cases have been detected in 13 out of our 17 regions in the country.”

Noong isang linggo lamang, ang risk classification ng bansa ay itinaas mula “low” papuntang “moderate” matapos ang pagtaas ng kaso noong Hulyo.

High-Risk Areas

Inilagay rin ng DOH ang Metro Manila, Cordillera Region, at Regions 1, 2, 4A, 7, at 10 bilang high-risk areas dahil sa kanilang mataas na ADAR at nasa moderate level ang two-week case growth rate.

Pinapakita rin ng data mula sa DOH na ang mga kaso sa Metro Manila ay tumaas ng 123% sa nagdaang dalawang linggo kumpara sa nakaraang tatlo hanggang apat na linggo.

Ang ADAR ng capital region ay nasa “12.70 cases per 100,000 population” habang ang kanilang healthcare utilization ay nasa 54.11% at ang ICU occupancy rate ay 59.04%.

Nakaraan, sinabi ng DOH na lahat ng areas sa Metro Manila ay may naitalang mga kaso ng Delta variant.

Ayon din kay Vergeire na ang mga active cases sa capital region ay inaasahang tataas pa rin sa kabila ng pag-iimplement ng striktong lockdown hanggang Agosto 20.

Rise in cases among all age groups

Sa isang hiwalay na pahayag ng DOH, mayroong kabuuang 59% na pagtaas ng mga kaso sa lahat ng pangkat ng edad noong Hulyo 13 hanggang 25, kumpara nang Hulyo 26 hanggang Agosto 8.

“Among the age groups, the highest increase was observed among the 30-39 age group and lowest among those 80 years old and above during the same period,” the agency said. The age group of 30-39 or the working age group is among those at risk of infection.

Naglabas rin ng pahayag ang DOH upang mabawasan ang takot ng mga magulang na ang mga kabataan ngayon, ay may high risk na mahawaan ng COVID-19 infection.

“Naiintindihan po namin ang mga agam-agam at pangamba ng ating mga kababayan sa mga balitang lumalabas ngayon tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga bata. Ngunit dapat ay liwanagin natin na itong pagtaas ng kaso ay nararamdaman sa lahat ng grupo at hindi lang sa mga bata,” paliwanag ni Vergeire.

Source: Rappler, GMA News