Connect with us

Health

The Vagina Bible ads, tinanggal ng social media

Umani ng batikos mula sa mga netizens ang pag-block ng Twitter, Facebook, at Instagram sa mga advertisements ng isang libro tungkol sa ari ng babae.

Published

on

Vagina Bible
Ang librong The Vagina Bible ay naglalayong tanggalin ang maling ideya ng mga tungkol sa reproductive organs ng babae at bigyang-kaalaman ang mga babae tungkol sa vaginal health. Litrato mula sa theusbreakingnews.com

Tinanggal ng Facebook, Twitter, at Instagram ang mga post na nagpo-promote ng isang libro na akda ng isang doctor, ayon sa Kensington Publishing Corp.

Ang The Vagina Bible: The Vulva and the Vagina: Separating the Myth from the Medicine ay isinulat ni Dr. Jennifer Gunter at naglalayong bigyang kaalaman ang mga kababaihan kung paano  nila mapapanatiling malusog ang kanilang  mga reproductive organs.

Kasalanan ng “vagina”

 Sa kabila ng pagiging educational ng laman ng libro, pinagtatanggal ng iba’t ibang mga social media platforms ang mga social media posts na nag-a-advertise at naglalaman ng mga katagang “vaginal” o “vagina.”

 Ang mga post naman na wala ang mga nasabing kataga ay tinanggap.

Nag-post din ng advertisement sa Facebook ang Vagina Museum, isang organisasyon na nakabase sa UK, ngunit isa lamang daw sa mula sa pitong post ang pinayagan ng Facebook.

Isang post na nagsasabing: “Dr Jen Gunter stopped by Teen Vogue to answer important questions about vaginal health” ay ni-reject din ng Facebook sa kadahilanang hindi daw dapat nag-a-assume ang publishing company na ang mga mambabasa ay mayroong health-related questions”, ayon sa Kensington.

Pinayagan naman ang isang tweet na may acronym na OBGYN (obstetrician-gynaecologist) dahil tinaggal ang salitang OBGYN.

Ang mga excuse

Ayon sa mga tagapagsalita ng Facebook, iniimbestigahan na nila ang mga pangyayari. 

Ayon sa naman sa spokesperson ng Twitter, hindi nila tinanggap ang mga advertisement ng libro bilang Promoted Tweets sapagkat patungkol daw ito sa mga sexual organs.  Ayon pa sa kanya, base sa kanilang mga regulasyon, ang mga nasabing tweets ay maaaaring i-reject.

The rejection of some of the promoted content was due to a combination of human error and violations, including the use of profanity and adult products,” dagdag pa niya.

Ang

Dahil sa mga pangyayari, sa Tweeter nagpalabas ng sama ng loob si Gunter.

Vagina is an anatomical term and not a “dirty” word“, sinabi ni Dr Jennifer Gunter sa tweet at umani ito ng mahigit sa isanlibong shares. 

Si Dr Jennifer Gunter ay isang obstetrician-gynaecologist at ang kanyang adbokasiya ay ang pagsusulong ng kalusugan ng mga kababaihan. Litrato mula sa www.diariodelhuila.com

Sa isang panayam sa BBC News, sinabi ni Gunter na isang kabalintunaan na ang kanyang publisher ay hindi makabili ng “ad for a book about vaginas that mentioned the word vagina“.

Any word that’s in a medical dictionary should be used everywhere. It’s a valid anatomical term. When you’re unable to say a word, the implication is that it’s shameful. It’s a patriarchal vestige, and I’m done with it,” dagdag pa niya.

Ang pag-ulan ng bashers

Bumuhos ang pambabatikos ng mga netizens dahil sa panri-reject ng mga social media platform dahil ang kanilang desisyon umano ay naghahalintulad ng female anatomy sa pornograpiya, at nagbibigay ng maling ideya sa lipunan na ang katawan ng babae ay isang taboo, o isang bagay na hindi dapat pinag-uusapan. 

  “Vagina is a scientific word, not a dirty word. Let’s separate fact from fiction!” tweet ng isang user.

Ang mga na-block na tweets at Facebook post na may mga katagang “vagina” at “vaginal health” ay ibinalik din kinalaunan.