Health
“The war has changed” laban sa COVID-19 dahil sa Delta Variant -CDC
Ayon sa US Centers for Disease Control, nag-iba na ang “war” laban sa COVID-19 dahil sa mas mapanganib na Delta variant.
Nagmumungkahi ang CDC ng mas malinaw na mensahe, mandatory pagbabakuna para sa mga health workers at ang pagbabalik ng universal masking.
Ayon sa isang CDC document patungkol sa variant na unang na-detect sa India at ngayon, dominante na iba’t-ibang parte ng mundo, ay kasing-contagious nito ang chickenpox at mas nakakahawa rin ito kaysa sa common cold o flu.
Pwede ito mapasa kahit nabakunahan ka na at maari rin itong maging mas mapanganib na disease kumpara sa mga naunang coronavirus strains.
Ang title ng nasabing document ay “Improving communications around vaccine breakthrough and vaccine effectiveness,” at ayon dito, kailangan mas maintindihan ng publiko kung gaano ka panganib ang delta variant.
Kasama rito ang pag-kaklaro na ang mga hindi nabakunahan ay “more than ten times more likely than those who are vaccinated to become seriously ill or die.”
“Acknowledge the war has changed,” saad nito. “Improve communications around individual risk among vaccinated.”
Ang mga rekomendasyon para sa mga preventative measures ay ang mandatory na pagbabakuna para sa mga health care professionals upang maprotektahan ang “vulnerable” at ibalik ang universal wearing of face masks.
Kinumpirma ng CDC ang authenticity ng document, kung saan una itong inulat ng Washington Post.
Habang ang mga nabakunahan ay “less likely to become infected,” kapag na-contract nila ang “breakthrough infections” mula sa Delta, hindi tulad ng mga naunang variants, maaring “they might now be just as likely as the unvaccinated to pass the disease on to others.”
“High viral loads suggest an increased risk of transmission and raised concern that, unlike with other variants, vaccinated people infected with Delta can transmit the virus,” pahayag ni CDC head Rochelle Walensky.
State of Other Countries
Sa ibang mga bansa, kung saan maraming tao ang hindi pa nababakunahan, ang Delta variant ang nangunguna sa pagtaas ng death rates at hospitalizations.
Kahit ang ibang mayayamang bansa na kasama sa mga nangunang mag-roll out ng vaccination campaign ay tumataas na rin ang kanilang mga kaso ng COVID-19. Binababa naman ng mga bakuna ang death rate, ngunit, “large populations remain vulnerable.”
Ayon sa head ng World Health Organization, na si Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang mga health systems ng maraming bansa ay nagiging “overwhlemed” na: “Hard-won gains are in jeopardy of being lost,” sinabi niya sa isang news conference.
Pahayag ni Mike Ryan, isang global health body’s top emergency expert sa mga reporters na ang bakuna ay effective pa rin sa pagpapapigil na maging itong malalang sakit at sa death rate din: “We are fighting the same virus but a virus that has become fitter.”
Source: GMANews