Health
“This is like a wildfire” larawan ng mga experts sa Delta variant at sinasabing “It’s not just easier to transmit, it makes you sicker.”
Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 na sanhi ng Delta variant sa iba’t-ibang bansa, pinag-aaralan ng mga disease experts kung ang “latest version” ng coronavirus ay ginagawang mas malala ang sakit ng tao lalo na sa mga hindi pa nababakunahan.
Nagbabala ang US Centers for Disease Control and Prevention na ang Delta, na unang na-detect sa India at ngayon, dominante na sa buong mundo ay, “likely more severe” kumpara sa mga naunang version ng virus, ayon sa isang internal report na nilabas sa publiko noong Hulyo 30.
Researchers suggest a more significant risk from the variant
Ayon sa research ng Canada, Singapore, at Scotland, pinapakita nito na ang mga taong na-infect ng Delta variant ay “more likely to be hospitalized than patients earlier in the pandemic.”
Sa isang panayam kasama ang Reuters, batay sa mga disease experts, ang tatlong research paper ay nagmumungkahi ng mas malubhang risk mula sa variant.
Delta is as contagious as chickenpox
Dagdag pa ng mga experts na dahil sa “extraordinary rate” ng Delta transmission, nag-aambag ito sa mas mataas na bilang ng mga malubhang kaso na dinadala sa hospital.
Ayon sa isang CDC report, ang Delta ay mas nakakahawa kumpara sa common cold o flu at kasing-contagious nito ang chicken pox.
Batay kay Shane Crotty, isang virologist sa La Jolla Institute for Immunology sa San Diego, ang clearest indication na ang variant ay maaring maging sanhi ng mas malubhang sakit na natuklasan ng isang pag-aaral sa Scotland, nakita sa Delta ang pag-doble ng risk ng hospitalization kumpara sa mga naunang version ng virus.
Sa United States, ang mga taong hindi pa nababakunahan ang kadalasang namamatay sa coronavirus at na-aadmit sa mga hospital. Pero, mayroong ebidensiya na ang mga bakuna ay “less effective in people with compromised immune systems, including the elderly.”
Para naman sa nabakunahan na, kapag nahawaan sila ng COVID-19, makakaranas lamang sila ng mild disease o maari rin maging silang asymptomatic, batay kay Dr. Gregory Poland, infectious disease expert ng Mayo Clinic.
“But they can pass it on to family members and others who may not be so lucky,” Poland said. “We have to be vaccinated and masked or we will, for the fourth time now, endure another surge and out of that will come worse variants.”
“This is like a Wildfire”
Ang rate ng severe illness, lalo na sa mga bansang mababa ang vaccination rates, ay pumipilay sa mga health care workers.
“This is like a wildfire, this is not a smoldering campfire. It is full-on flames right now,” saad ni Dr. Michelle Barron, senior medical director of infection prevention and control at Colorado’s UCHealth.
Ayon kay Barron, may isang pag-aaral mula sa China na nag-mumungkahi na ang Delta variant ay nag-rereplicate ng mas mabilis at nag-ge-generate pa ng “1,000 times more virus” sa katawan.
“It is hard to tell if they are more sick because of the Delta variant or if they would have been more sick anyway,” sabi ni Barron.
Para naman sa mga ibang doktor, ang mga pasyente na may Delta, ay nagpapakita ng mas mabilis na paglala kanilang sakit.
“We are seeing more patients requiring oxygen sooner,” sabi ni Dr. Benjamin Barlow, chief medical officer at American Family Care.
Batay kay David Montefiori, director ng Laboratory for AIDS Vaccine Research and Development sa Duke University Medical Center, ang Delta variant ay mas nakakahawa at mas mabilis magpakita ang sintomas, lalo na sa mga hindi pa nabakunahan.
“Frankly, there’s a severity that comes from this variant that is a little more severe,” Montefiori sinabi niya sa isang webcast noong isang linggo. “It’s not just easier to transmit, it makes you sicker.”
More study needed
Ngunit, limitado pa rin ang study population at hindi pa nasuri ng mga outside experts ang mga natuklasan.
Pero, inilarawan ng mga Doktor na ang mga pasyenteng ginagamot na may Delta, ay mas mabilis sila magpakita ng sintomas at sa karamihang rehiyon, “an overall increase in severe cases.”
Subalit, ayon sa mga experts kailangan pa ng mas maraming pag-aaral upang makumpara ang resulta sa mas malaking bilang ng mga indibidwal sa mga epidemiologic studies para matukoy kung ang isang variant ay mas malala ba kumpara sa iba.
“It’s difficult to pin down increase in severity and population bias,” sinabi ni Lawrence Young, isang virologist sa UK’s Warwick Medical School.
Source: Rappler