International News
Canadian Prime Minister Justin Trudeau nagmungkahi ng total ban sa pagbili at pagbibenta ng baril
Planong isabatas ng administrasyong Trudeau ang pagba-ban sa private ownership ng lahat ng short-barrelled firearms sa Canada.
Hindi lamang umano ipagbabawal ang pagbenta ng mga baril. Gagawing illegal din ang pagbili, pagta-transfer, o pag-iimport ng mga handguns.
Iminungkahi ni Trudeau ang batas ilang araw makalipas ang mass shooting sa isang Texas primary school na kumitil ng buhay ng 21 katao.
“Other than using firearms for sport shooting and hunting, there is no reason anyone in Canada should need guns in their everyday lives,” sinabi ni Trudeau sa mga reporter.
“As we see gun violence continue to rise, it is our duty to keep taking action,” dagdag pa niya.
Bahagi ng panukala ang pagre-reconfigure ng mga rifle magazines upang hindi ito makapag-load ng higit pa sa five rounds.
Tatanggalan din umano ng lisensya ang mga gun owners na nnasangkot sa domestic violence o criminal harassment.
Tinatayang malilimitahan ng husto ng ipinapanukalang batas ang bilang ng mga legally-owned handguns sa Canada.