International News
Delta Variant “Laganap” sa mga bansang nasa Asya
Ang mga bansang Japan (Tokyo), ang lugar kung saan ginanap ang Olympics, Thailand, at Malaysia ay may naitalang “record number” ng mga COVID-19 cases nitong Sabado, Hulyo 31, ng dahil sa mas nakakahawang Delta variant.
Australia (Sydney)
Tumaas rin ang bilang ng mga kaso sa Sydney, kung saan kinordonan ng mga pulis ang central business district upang maiwasan ang isang protesta laban sa striktong lockdown na magtatagal hanggang katapusan ng Agosto.
Pinasara rin ng mga police ang mga train stations, ipinag-bawal ang mga taxi na ibaba ang mga pasahero sa downtown at nag-deploy ng 1,000 officers para mag-set up ng mga checkpoints.
May naitala ang New South Wales na 210 bagong infections sa Sydney at sa mga surrounding areas nito na nagmula sa Delta variant outbreak.
Japan (Tokyo)
Ang metropolitan government ng Tokyo naman ay may naitalang 4,058 infections sa nagdaang 24 oras, “it topped 4,000 for the first time.”
May naiulat na 21 bagong COVID-19 cases ang mga Olympic organizers na related sa Games, mayroong kabuuang 241 kaso na simula Hulyo 1.
Dumating ang record isang araw matapos idineklara ng Japan na ii-extend nila ang state of emergency sa Tokyo hanggang sa katapusan ng Agosto, in-expand rin nila ito sa tatlong prefectures malapit sa Tokyo at sa western prefecture ng Osaka dahil sa spike ng mga infection.
Ayon sa mga Olympic organizers, ni-revoke nila ang accreditation ng mga “Games-related person” o mga taong lumabas ng athletes’ village para mag-sightseeing, ito’y paglabag ng mga measures na inimplement para sa Olympics sa gitna ng pandemya.
Malaysia
Ang Malaysia, isa sa mga hotspots ng disease, ay may naitalang 17,786 coronavirus cases nitong Sabado, “this is a record number of infections.”
Mahigit isang daang mga tao ang pumunta sa center ng capital ng Kuala Lumpur, para magpahayag ng “dissatifaction” sa kung paano i-handle ng gobyerno ang pandemya at nanawagan rin sila na mag-quit na si Prime Minister Muhyiddin Yassin.
Thailand
Sa Thailand naman, may naitala silang daily record ng 18,912 bagong coronavirus infections, kung saan ang kabuuang bilang ng kaso ng bansa ay umabot na sa 597,287.
Mayroon din silang naiulat 178 bagong namatay, isa rin itong daily record, ang kabuuang namatay ay 4,857.
Ayon sa gobyerno, ang Delta variant ang may dahilan sa 60% ng mga kaso sa bansa at 80% sa Bangkok.
Source: Rappler