Connect with us

National News

FALSE: “Huli po natin babakunahan ang mga pango” – Roque

Published

on

Walang mga ulat o news articles na makikitang nagsabi si Presidential Spokesperson Harry Roque na huling mababakunahan ang mga pango.

Maging sa kanyang verified facebook page ay itinanggi rin niya ito.

Kumalat kasi sa social media ang isang quote card na may nakasulat na “Huli po natin babakunahan ang mga pango, kasi maliit ang posibilidad na makalanghap sila agad ng virus,” na iniugnay sa larawan ni Roque.

Itinanggi ito mismo ni Roque sa pamamagitan ng kanyang verified Facebook page noong August 20, na sinulatan niya ng caption na “Fake news alert!!!”

Batay sa pekeng quote card, sinabi ni Roque ang pahayag noong August 13, 2020 may kinalaman sa partisipasyon ng mga Pinoy sa clinical trials ng COVID-19 vaccine sa Russia.”

Makikita sa ABS-CBN News Facebook page ang orihinal na quote card na may petsang August 13,2020 at. At ito ang nakasulat, “Wala pong sapilitan ‘yan. Kung sino lang po ang gusto mag-volunteer, puwedeng magpasaksak.”

Ang pahayag na ito ay makikita rin sa August 13, 2020 article ng ABS-CBN News website.

https://news.abs-cbn.com/news/08/13/20/palasyo-may-petsa-kung-kailan-posibleng-turukan-si-duterte-ng-russian-vaccine