Connect with us

National News

Media worker’s welfare act aprubado na ng Kamara; antas ng estado ng mga mediamen maiiangat na

Published

on

Maiaangat na ang antas ng estado ng mga mediamen sa bansa sa pamamagitan ng House Bill 454 o Media Workers’ Welfare Act.

Ito ang pahayag ni Atty. Rey Traje, Chief of Staff ni CIBAC Partylist Representative Bro. Eddie Villanueva sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon kay Atty. Traje, aprubado na ng Kamara sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang batas sa botong 252 at walang tumutol at nakatakda ng dalhin sa Senado.

Aniya pa, ito ay consolidation ng limang magkakatulad na panukala.

Kapag tuluyan na itong maging batas, ang lahat ng mga nagtatrabaho sa media industry ay mabibigyan ng karagdagang proteksyon, seguridad at benepisyo.

Maliban dito, layon din ng panukalang batas na maibigay ang nararapat na karapatan ng bawat mediamen sa bansa.

Malaki umano ang ginagampanan ng media na tinaguriang “fourth estate”, kung saan ito ang katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng bansa at pagbibigay proteksyon sa demokrasya.

Saklaw ng nasabing bill ang lahat ng media Workers at media entities sa pribadong sektor./SM

Continue Reading