Connect with us

National News

Nationwide liquor ban, ipapatupad sa Mayo 11 at 12 para sa Halalan 2025

Published

on

Photo: AKLAN PROVINCIAL POLICE OFFICE/FB
Magpapatupad ang Commission on Elections (COMELEC) ang nationwide liquor ban sa Mayo 11 at 12, 2025, bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan.
Batay sa COMELEC Resolution No. 11057, mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta, pagbili, pag-inom, at pamimigay ng mga nakalalasing na inumin sa buong bansa mula alas-12:00 ng hatinggabi ng Mayo 11 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Mayo 12.
Sakop ng liquor ban ang lahat ng indibidwal, kabilang ang mga may-ari at managment ng mga hotel, resort, restaurant, at iba pang katulad na establisimyento.
Pinapayagan naman ang mga DOT-accredited establishments na may mga dayuhang turista na maghain ng alak, basta’t may permiso mula sa COMELEC.
Tanging mga dayuhang turista lamang ang maaaring uminom sa mga establisimyentong ito sa panahon ng liquor ban.
Hindi naman na kinakailangan ng exemption kung ang alak ay nabili at nabayaran na bago pa man magsimula ang liquor ban.
Ngunit bawal pa rin itong inumin o ibenta sa mismong araw ng pagbabawal.
Layon ng hakbang na ito na mapanatili ang kaayusan sa panahon ng halalan. | Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading