Connect with us

National News

P686.8M na halaga ng shabu, nasabat ng PDEA mula sa isang pinoy at chinese national

Published

on

Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)/ Facebook
NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P686.8 milyon na halaga ng shabu matapos ang ikinasang entrapment operation nitong Miyerkules, Mayo 14 sa Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga.
Kinilala ang mga tulak na sina alyas “Wang”, 31- anyos na isang Chinese national at naninirahan sa Clark, Pampanga habang ang isa pang suspek na Pinoy ay si alyas “Shania”, 24-anyos na taga- Tarlac City.
Nakuha mula sa dalawa ang 101 kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 96 tea bags at 5 plastic packs.
Hawak rin ngayon ng mga otoridad ang isang Toyota Sienna, cellphone, at mga lisensya.
Mahaharap sina Wang at Shania sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Continue Reading