National News
PBBM, resource person sa isang press con kaugnay ng ASEAN-EU Commemorative Summit


Nagsilbing resource person si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa press conference kaugnay ng ASEAN-EU Commemorative Summit na ginaganap ngayong Huwebes, Disyembre 15, 2022, sa Brussels, Belgium.
Bahagi ito ng kanyang tungkulin bilang ASEAN Coordinator.
Samantala, iginiit ni Pangulong Marcos sa talakayan na nananatiling independent ang foreign policy ng Pilipinas kung saan hindi kinakailangang pumili ng malalakas na bansang papanigan, tulad noong panahon ng Cold War o sa kasagsagan ng tunggalian ng USA at Russia.
“What we say, to put it very simply, is that in the Philippines, our foreign policy is a policy for peace and for the national interest,” pagtitiyak ng Pangulo. | Glesi Lyn Sinag & Felmerie Sabino #RadyoTodo
Continue Reading