Connect with us

Provincial News

DOH-Western Visayas Center sinusuri ang isang ROF na positive sa Delta variant sa Bacolod City

Published

on

_one returning overseas Filipino (ROF) who was reportedly found positive for the delta variant

Sinusuri ng Department of Health (DOH)-Western Visayas Center for Health Development (CHD) ang isang returning overseas Filipino (ROF) na naiulat umanong positive sa Delta variant na nakatira sa Bacolod City.

Ayon kay Dr. Adriano Suba-an, DOH-Western Visayas director, na noong Agosto 23, may na-detect ang CHD na 53 karagdagang Delta variant na kaso, kung saan 52 dito ay mga lokal na kaso.

Sa 53 karagdagang kaso, 21 ay mula sa Aklan; 16 ay nagmula sa Iloilo Province; 11 sa Iloilo City, habang ang Antique, Capiz, Guimaras at Bacolod City ay may naitalang isang kaso.

Batay kay Suba-an, sinusuri pa ng CHD ang isang ROF na nagsasabing ang kanyang address ay Bacolod City.

Ang ulat ay batay sa latest batch ng mga sampols na sumailalim ng genome sequencing ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC).

Other Variants

Sa Alpha variant, may naitala ang DOH-CHD na pitong bagong kaso, tatlo ay nagmula sa Iloilo Province, dalawa naman sa Iloilo City at isa sa Bacolod City at Capiz. Lahat ng pitong kaso ay lokal na kaso.

Habang ang P.3 variant naman, mayroong 10 karagdagang kaso ang Bacolod City, pito naman sa Iloilo City at anim sa Iloilo Province.

Dagdag ni Suba-an, wala namang karagdagang kaso ng Lambda at Gamma variants of concern ang na-identify.

Surgical Lockdown

Vice Mayor El Cid Familiaran, chairman of Bacolod City Inter-Agency Task Force (IATF), said they already ordered localized containment measures or surgical lockdown of the residential area of Barangays Bata and Villamonte, where the two patients and their families reside.

Nag-implement ng surgical lockdown si Vice Mayor El Cid Familiaran, chairman of Bacolod City Inter-Agency Task Force (IATF), sa Barangay Bata at Villamonte , kung saan doon nakatira ang dalawang kaso na nag-positive sa Delta variant na naitala kamakailan lamang.

Patuloy pa rin silang nagsasagawa ng contact tracing hanggang sa third-generation contacts ng mga pasyente, sabi niya.

Isang anim na buwang taong gulang na lalaki na nakatira sa Barangay Bata at isang 45 taong gulang na lalaki na residente ng Brgy. Villamonte ang nag-positive sa Delta variant.

Ayon kay City Administrator Em Ang, executive director of Emergency Operations Center-Task Force (EOC-TF), na natapos na ng dalawang pasyente ang kanilang isolation.

Hinimok ng DOH-Western Visayas-CHD ang mga local government units (LGU) na magsagawa ng active case findings, aggressive contact tracing at testing, ipababa ang interval sa pagitan ng detection at isolation o quarantine, at i-strengthen ang prevent-detect-isolate-treat and reintegrate (PDITR) strategies.

Ang pagbabakuna at pagsunod sa mga minimum public health standards ay mahalaga rin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at mga variants nito, dagdag nila.

The post DOH-Western Visayas verifying ROF Delta variant case in Bacolod appeared first on SunStar Bacolod
By: MERLINDA A. PEDROSA