Regional News
2 subdivison sa Bacoor, Cavite nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa Delta variant case
Pina-lockdown ng Bacoor, Cavite Mayor na si Lani Mercado-Revilla, ang dalawang subdivision nitong Biyernes matapos makatanggap ang impormasyon na may dalawang kumpirmadong kaso ng Delta variant ang lugar, ito’y batay sa iniulat ni Luisito Santos ng Super Radyo’s DZBB.
Sinabi ni Mercado-Revilla na ayon sa Executive Order No. 25, “immediate total lockdown of the residential origin of the two cases is mainly for purposes immediate containment and response in consideration of the fact that delta variant is highly transmissible.”
Batay sa kanya, sinabi ng Department of Health sa kanila na may Delta variant case ang kanilang lugar.
Magsasagawa ng contact tracing ang City Health Office sa loob ng tatlong araw at ang mga “close contacts” ay madaling i-tatransfer sa isang city isolation facility.
Kasama sa directive ng Mayor ang “strict home stay order on all residents of the villages” kung saan magsasagawa ng mga checkpoint ang pulis upang mapanatili ang perimeter control habang may isang commercial store na sinara temporarily.
Magbibigay ng relief assistance ang City Welfare Office at General Services Office sa lahat ng mga household na na-apektuhan ng lockdown.
Ang City Task Force Against COVID-19 ay nakatakdang magkaroon ng isang pagpupulong sa Lunes upang talakayin ang mga karagdagang hakbang para ma-contain ang virus.
Source: GMANews